

소개
“Talagang naantig ang aking puso sa aklat na ito lalo na sa mga patotoo. Hindi ko sukat akalaing may mga taong nabubuhay ng ganito. Akala ko ito ay nagaganap lamang sa mga eksaheradong pelikula. Kaya naman napagtanto ko kung gaano kaliit ang aking mga problema at gaano kaganda ang aking buhay. Alam mo na, kahit noon pa man palagi akong nagrereklamo sa lahat ng bagay tungkol sa akin—mukha ko, buhok ko, pigura ko, kakayahan ko, mga karanassan, mga pagpipili, mga pagkakamali, aking pamilya, aking asawa at maraming marami pang iba. Kahit na sinadya kong gawing masaya ang aking panlabas pero sa loob ako ay malungkot at hindi nakokontento. Nakaka-ugnay ako sapagkat humaharap din ako ng mga emosyonal na pagkakakulong. Ang aklat na ito, Kalusugan ng isip at pagpapayo, pagpapatawad ay nakatulong sa akin para maging malaya din. Napakahalaga nito sa akin. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagkakataong mabasa at maisalin ang aklat na ito na naging sobrang pagpapala din naman sa akin.” _Ptra. Ma. Gina B. Limpin



