

소개
'Si Maria Clara ay isang piksyunal na tauhan sa nobelang Noli Me Tangere na isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Gat. Jose Rizal. Siya ang sagisag ng huwarang dalagang Pilipina sa panahong ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Bukod sa pagiging mayumi at mahinhin, inilarawan si Maria Clara bilang isang mapagmahal at masunuring anak ni Kapitan Tiyago, at isang babaeng tapat at deboto sa relihiyong Katoliko.



